umuulan nanaman...isang linggo nang di tumitigil ang pag buhos ng ulan...at isang linggo na rin siyang nababanas sa lagay ng panahon...ito na siguro ang pinaka ayaw nyang panahon sa Pilipinas..bukod na sa laging baha, lagi pang maputik at traffic...mag-aapat na taon na rin syang nasa Pilipinas, matagal-tagal na rin, pero hanggang ngayon, namimiss nya pa rin ang buhay sa Inglatera...
"beep..beep!!"
nagising din sya sa pagkakatulala..labing-limang minuto na syang naghihintay sa waiting shed sa tapat ng kanilang eskwelahan..tuluy-tuloy pa rin ang pag buhos ng ulan..kanina pa nya hinihintay na huminto sa kanayang harapan ang pulang sasakyan..traffic nanaman kasi...at unti-unti na ring dumadami ang mga estudyanteng naghihintay sa waiting shed na kanina lang ay lulan..
"ring..ring.."
Alette: hello? nasaan ka na ba?
(boses sa cellphone): malapit na ako..traffic lang talaga..
Alette: kanina pa ako dito..naiinip na nga ako eh..bilisan mo ha..
(boses sa cellphone): opo...sandali na lang po...
--~~~~~~---
mabagal ang pag usad ng mga sasakyan sa kanyang harapan..medyo humina na rin ang ulan...ilang minuto na lang at tiyak na nandun na sya...
Mike: pinoy, ikaw ay pinoy...ipakita sa mundo..
"ring...ring..."
Mike: hello?
(hininaan ang radyo at sabay padyak sa break)
Mike: hello?...hello?!...sorry pero di kita marinig...hello?!...
pinatay ang cellphone at nilakasan muli ang radyo...
Mike: ipakita sa mundo, kung ano ang kaya mo...ibang-iba ang pinoy, wag kang matatakot...ipagmalaki mo...
---~~~~~~~----
binuksan ang pintuan ng pulang sasakyang kanina nya pa hinihintay..pag pasok ay nabingi sa sobrang lakas ng radyo..hininaan ito at sabay nag buntong-hininga..
Alette: kailan ba kasi titigil 'tong lecheng ulan na 'to?!..
Mike: bakit mo hininaan yung radyo?!...si Juris na yung kumakanta..
Alette: eh kasi pang padagdag lang ng sakit ng ulo eh..daan nga muna tayo sa Starbucks..
Mike: sure, basta ililibre mo 'ko
Alette: okay..tapos daan din tayo sa bahay ni Toni..hihiramin ko lang notes nya...
Mike: especially for you...I wanna let you know what I was going through...
dumaaan sa Starbucks at huminto na rin sa tapat ng bahay ni Toni...hiniram ang notes at dumeretso na rin sa pag-uwi..
---~~~~---
Saturday...tinatamad pero kailangang bumangon..alas-quatro pa lang ng umaga...alas-singko ay kailangan nandun na sya...dahan-dahang bumangon at dumretso sa banyo..kailangang magmadali kundi ay pahihirapan nanaman siya ng coach nila..inayos ang gamit at binitbit ang rubbershoes...dumeretso sa kusina at kumuha ng dalawang pandesal at dali-daling lumabas ng bahay..pinaandar ang kotse...
Jim: bakit ngayon ka lang?..15 minutes kang late?..
Mike: sorry po captain ball, na traffic kasi sa kama eh..
Jim: sige warm-up na tayo..pasalamat ka at wala pa si coach..
tuwing sabado na lang na ganito...inaabot ng tatlo hanggang apat na oras ang training nila..parami na rin nang parami ang tao sa loob ng gym..
Carlo: Mike, nandito nanaman yung stalker mo o!..hehe
Mike: stalker?..saan?
Carlo: ayun o!..yung naka pink na shirt na kasama nung mga malalanding babae na yon!
Mike: sino ba sya?..
Carlo:edi yung may crush sayo..balita ko nga patay na patay pa yan sayo eh..
Mike: I'm not interested with her..
Carlo: haha..eh sino ba naman papatol dyan?..kaunting yuko na lang at matutusok na nya sarili nyang dibdib..haha..
Mike: gago!..haha
Carlo: tang ina Mike!..lalapit yata dito!
paglingon ni Mike, bumulantang sa harap niya ang babaeng hanggang leeg nya lang ang taas, hanggang pwet ang haba ng buhok at medyo mahaba nga ang baba..
girl: hi Mike! gusto mo ng water?
Mike: ah eh..sige, thank you na lang..meron pa akong tubig eh..
girl: ako nga pala si Beatrice..
Mike: ah..eh..(sabay kamot sa ulo)...sige, tawag na kami ni coach eh..
dali-daling lumakad palayo at lumapit sa ibang ka teammates para makasiguradong di na sya makakalapit..
Carlo: haha..nice one man!..(sabay kuskos sa ulo ni Mike)
Jim: ano ba sabi nya?
Mika: nagpakilala lang..tsaka nag-offer ng tubig..
Carlo: buti di mo tinanggap..baka lasunin ka pa non eh..haha
Jim: baka gayumahin!..haha
Mike: tumigil na nga kayo!
Carlo: naku, Mike umiwas ka na sa mga taong ganyan..baka kinabukasan nasa loob ka na ng malaking kawali tapos umuusok-usok pa...hinahalo ka pa nya sabay tawa ng "hihihihihi".....haha
Mike: ulol!!
---~~~~----
9:00 am na..madilim pa rin sa loob ng kanyang kwarto deahil nakababa lahat ng makakapal na kurtina...
"ring...ring..."
kinapa ang cellphone sa gilid ng kanyang unan at sinagot nang matamlay..
Alette: hello?
Mike: uy, gising ka na ba?
Alette: ikaw nga gumising sa akin eh..
Mike: pupunta ka na ba sa school?...gusto mo bang sunduin pa kita?
Alette: bakit, ano ba meron?
Mike: di ba may practice kayo ngayon sa theater nyo?
Alette: anong oras na ba?
Mike: alas-nuebe na po!
biglang napaupo sa pagkakahiga at tumingin sa orasan sa kanyang drawer..
Alette: shet!!..sige, bye na!!
dali-daling tumayo at dumeretso sa banyo..wala pang sampung minuto ay tapos na syang maligo..hindi na nag-breakfast at dali-daling lumabas ng bahay at nagtawag ng taxi...
Alette: manong, paki bilis lang!!..dali!!
---~~~~~~---
napadaan sa kanyang mga mata ang nagmamadaling si Alette...kumakaripas ito sa takbo..
Mike: psst, Alette!
Carlo: si Alette ba yon?..
Mike: yup, nagmamadali yata..late na yata sya sa theater nila..
Carlo: sabi nga pala ng pinsan ko hawak nya ang major role...
Mike: o!?..sira ulo yun ha..wala syang binabanggit sa akin...
--~~~~~---
Wednesday...wala silang pasok...Quezon city day kasi...pero tuloy pa rin ang audition para sa cheering...
07:00 am...kanina pa nag wawarm-up sa loob ng kanyang kwarto..di nya pa alam kung ano gagawin nya para magpasikat sa judges...di nya rin alam kung kinakabahan ba sya o di lang talaga maganda ang kanyang pakiramdam..pero di pwedeng di siya mag-audition..kailangan...
07:50 am...nasa labas silang lahat ng audition room...hinihintay na lang na tawagin ang kanilang mga pangalan...
babae: Gomez!!...
may isang payat na maputing babae ang tumayo at pumasok sa loob ng audition room...matagal pa bago siya tawagin...dumaan sa hallway ang grupo ng mga kalalakihan at kasama dun si Mike..
Mike: uy, tapos ka na?..
Alette: di pa..maya-maya pa..
Mike: di ba pwedeng manood?
Alette: sa tingin mo?
Mike: sige, goodluck na lang..
lumapit siya at hinalikan ang makutis na noo ni Alette...
Alette: thanks...
---~~~~~~----
Mike: kamusta yung audition?
Alette: kakapagod pero mukhang okay naman yung ginawa ko..
Mike: bakit papilay-pilay ka?
Alette: nabigla lang siguro...
binuhat nya ito at inangkas sa kanyang likod...
Mike: next time, mag-ingat ka na ha...
Alette: hehe
iniupo nya ito sa bench na malapit sa malaking puno...lumuhod sa kanyang harapan at hinalikan muli ang kanayng noo...may inilabas na animong kumikinang-kinang mula sa kanyang bulsa..
Mike: naaalala mo pa ba to?
Alette: parang yan yung singsing na gustung-gusto ko bilhin dun sa Rockwell ha..tama ba?
Mike: yup!..and I bought it for you..
Alette: are you serious?!..oh my God!!
yinakap nya ito nang mahigpit at bumulong..
Alette: thank you...for everything...I love you..
Mike: (ngumiti) ..basta para sa'yo....love you too...
--~~~~~~---
matapos ang dalawang araw na paghihintay..sa wakas at naka post na rin sa bulletin board ang mga nakapasa sa audition...sumingit sya at napatalon nang nakita ang kanyang pangalan sa mahabang listahan...
Alette: Mike!!..nakapasa ako!!
Mike: talaga!?..congrats!!!
..nagyakapan ang dalawa nang mahigpit...
---~~~~~~---
umuulan nanaman...malalaki ang patak na bumubuhos sa salamin ng kanyang sasakyan...mabuti na lamang at hindi traffic...maluwag ang daanan...dire-diretso ang kanyang pagmamaneho..napansing naiipon ang malalaking patak sa kanyang windshield...bumabagal ang wiper sa kanyang harapan...unti-unti itong tumitigil at unti-unti na ring lumalabo ang salamin dahilan na di nya makita ang kanyang dinadaanan..naririnig nya ng pagharurot ng mga sasakyan sa kanyang tabi...dahan-dahan na rin ang pagtakbo ng kanyang sasakyan...pinukpok ang salamin at sa wakas umayos na rin ang wiper at naging malinaw na ang kanyang dinadaanan..may narinig syang malakas na pagbusina ng isang trak..hinanap kung saan ito nanggagaling..lumingon sya sa kanyang kanan at nanglaki ang kanyang mga mata nang mapansin ang trak na papasalubong sa kanya......
...nangdilim ang lahat....
---~~~~~~~----
Mrs. Lauren: Alette, please open this door...
Alette: leave me alone!!
...sampung oras na syang nakakulong sa kwarto nya...di kumain at di bumabangon sa kanyang pagkakahiga...kanina pa sya tulala sa kisame....dahan-dahang tumayo at binuksan ang drawer..kinuha ang singsing na nakapatong sa itim na lumang libro....hinawakan ito nang mahigpit at unti-unting pumapatak ang kanyang luha sa sahig...muling napatulala sa hangin at dahan-dahang pinunasan ang luha...marahang naglakad patungo sa pintuan ng kanyang kwarto na kanina lang ay may kumakatok..lumabas sya at tahimik na bumaba ng hagdan..dumeretso sa sala kun saan napupuno ito ng mga bulaklak...deretso lang ang kanyang tingin...hawak-hawak pa rin nang mahigpit ang singsing sa kanyang dibdib...palapit na sya nang palapit...inilapag ang singsing sa malinaw na salaming tinuluan na ng kanyang luha...marahil hanggang dito na lamang...wala na syang magagawa...pakiramdam nya'y nakakulong sya sa loob ng isang kwartong walang bintana at pintuan...hindi alam kung ano ang gagawin...hindi sya kumukurap...nakatitig lang sya sa maamong mukha sa likod ng basa nang salamin...hindi sya nagpaalam...hindi sya nagparamdam...
may humaplos sa kanyang balikat..isang matandang nakaitim at may malalamig na mga kamay...pinaupo siya sa silya..di pa rin nya inaalis ang pagkatitig sa puting hinihigaan ng taong may maamong mukha...dahan-dahan nyang inilingon ang kanyang mga mata sa sulok ng silid...isang taong naka asul at naka ngiti sa kanya..marumi ang kanyang damit..duguan ang ulo pero nakatitig pa rin sa kanya...
...ngumiti siya pabalik...
"kuya?"